Dahil nga sa pagkabigo nina Mimi and Tirana sa plano nilang higopin ang cyanide dito sa ating planeta at ang planong pag sakop nito. Napilitan silang tumakas ang lumay pansamantala para maka isip ng bagong plano para mapuksa at makabawi sa mga Batang X at kay Kwago.
Iniba nila Mimi and Tirana ang kanilang mga katauhan, si Tirana nagpanggap bilang isang guro at pumasok sa isang paaralan para doon magturo, at si Mimi namn ay nagpangap bilang isang estudyante sa elementarya.
Itutuloy....
Wednesday, April 22, 2009
Episode 2
Pagkatapos ng incidente sa Banahaw, balik normal na namn ang mga Batang X. Patuloy silang nag ti-training sa HQ at sila pa rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay (hehe). Nadagdagan naman ng member ang mga Batang X, at siya si Ambet ang bestfriend ni J-boy, pinayagan siya ni Doc Kwago na tumira sa HQ at mag train kagaya ng iba pang mga Batang X. Sa paglipas ng mga araw wala namang masyadong masamang nangyari. Si Kid naging mas magalang, patuloy pa rin ang Puppy love nina Trina and Agel pero si J-boy patuloy namn nagdududa kay A-gel, dahil nga sa mga bagay na natuklasana nila tungkol sa kanya at d pa rin nya natangap ang pag traydor ni A-gel sa kanila na muntik ikapamahak ng kanilang ma buhay.
Episode 1 (After the incident in Banahaw)
Matapos sirain nina Doc Kwago at ng mga Batang X ang Atmospheric Syanide Extractor (ACE), di nila na malayan na nakatakas na pala sina Little Miss Mimi and Tirana. Pagkatapos nilang malaman na isa palang taga Earthon si A-gel at sa nagawang pag-tatraydor nito natangap pa rin nila Kwago at ng iba pang mga bata si A-gel dahil naman sa pinakita nitong kabutihan kahit sa mga nagawa niyang kasalanan. Habang sa labas nakita nila ang mga Anino, na minsan ay napaghinalaan nilang masasama ang mga ito. Pero salamat kay Trina dahil siya ang nagpatunay na mali pala ang pagkaka-alam nila tungkol sa mga Anino ngunit tumulong pa nga ito para mapuksa ang mga hukbo ng Earthon. Ang dating nasirang spaceship ng mga Anino ay ngaoy ayus na dahil na rin sa tulong ni Control, at masayang naka alis ang mga Anino sa ating planeta.
Hi !
Hi sa inyo, super avid fan kac ako ng Batang X, and na bitin ako dahil Season 1 lng... d ko pa alam kung kailang magkakaroon ng season 2 sa tagal ng pagaantay ko at sa maraming tagahanga ng batang x, naisipan ko nlang gumawa ng sarili kung Season 2 version para libangin lng ang sarili ko hehe. Ang anumang nakasulat dito ay hindi "valid" at walang koneksyon sa gumagawa ng Batang x, purong katang-isip ko po lamang ito at walang katotohanan. Sana walang magagalit, katuwaan ko lng po ito.
Subscribe to:
Comments (Atom)
